in ,

NOAM CHOMSKY GLOBAL AWARDS WON BY TWO UP ALUMNI: MARIA LORENZO AND RAPHAEL PANGALANGAN

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Dalawang UP Alumni ang nagtagumpay na makamit ang A. Noam Chomsky Global Connections Awards para sa kategoryang transnational research. Tanging sila lamang ang nakakuha ng prestigious research award sa mga sumali na ibang scholars mula sa United Kingdom, Australia at Hongkong.

Pitong mananaliksik ang sumali sa paligsahan at dalawa ang nanalo at binigyan parangal noong Disyembre 9, 2020. Virtual ang pagbibigay parangal sa kanila ng Society of Transnational Academic Researchers (STAR) Scholar’s Network na siyang naglalayon na pagigtingin ang pagtutulungan ng mga mananaliksik sa buong mundo.

Si Maria Pilar Lorenzo ay nakatamo ng 70 grants, scholarships, honors at awards kabilang ang YSEALI Women’s Leadership Academy Alumni Network at isa sa 2020 Women’s Leaders in Southeast Asia.

Ipinakilala si Lorenzo ni Janita Poe, isang journalist para sa STAR Scholars Network sa pagsabi ng mga karangalan na natamo ni Lorenzo at paghahayag ng mga gawain nito sa ating bansa. Ayon dito ay nabibighani umano si Lorenzo sa paghahanap ng mga paraan upang makamit ang mataas na uri ng edukasyon, gobyerno at lakalaran pang tao. Si Lorenzo umano ay nagsasaliksik na makaroon ng pagtutulungan sa bansang Pilipinas at iba pang bansa na kabilang sa Southeast Asia.

Lubos namang nagpasalamat si Lorenzo matapos makamit ang parangal na nakuha nito sa pamamagitan ng isang Facebook Post noong December 9. Ayon dito ay isang napakalaking karangalan ang matamo ang A. Noam Chomsky Global Connections Award at naging inspirasyon ito upang pag-igtingin pa lalo ang kanyang pagsasaliksik para sa ikabubuti ng mundo.

Si Dr. Raphael Pangalangan ay kilala sa kanyang mga natatanging gawain bilang isang iskolar at ang kanyang pagiging abogado. Siya ay isang Propesor sa University of the Philippines College of Law matapos niyang makapagtapos sa pagaaral sa University of Cambridge.

Isinama naman ni Poe sa pagbibigay parangal sa kaniya ang mga nakamit na tagumpay ni Pangalangan at mga eskwelahan na pinasukan nito. Isinulat din ni Poe ang nakamit na Human Rights Essay Award na binigay ng American University Washington College of Law kay Parangalangan. Kabilang na rin ang Oxford-Morris Prize in Human Rights, Hague Academy of International Scholarship ar Korena International Association Grant para sa Comparative Law.

Kamangha-mangha ang mga natamong tagumpay ng dalawang Pilipino na ito at dahil dito ay mas pinapabuti ng University of the Philippines ang kalidad an edukasyon lalo na at kabilang na ang nasabing institusyon sa Top 100 QS Asian Rankings.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

One Ping

  1. Pingback:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Forbes Asia’s 100 Digital Stars 2020 had listed these 6 Filipina Celebrities.

Isang ina hindi sinasayang ang kahon ng gatas ng kanyang anak, dahil ginawa niya itong “shoe organizer” ng kanyang pamilya