in ,

Isang ina hindi sinasayang ang kahon ng gatas ng kanyang anak, dahil ginawa niya itong “shoe organizer” ng kanyang pamilya

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sa mahal ng mga bilihin ngayon napakahirap talaga ang magaksya ng mga bagay bagay. Kung kaya’t hangga’t kayang pakinabangan ay papakinabangan talaga. May mga bagay kasi na magagamit pang muli imbis na ito ay itapon na lamang at maging basura. Sa ganitong paraan, mas nakakatipid tayo sa mga bagay na mas gusto nating bilhin sa mga bilihan. Kaya mas nagiging praktikal kung tayo mismo ang magrerecycle ng mga bagay na sa tingin natin ay pwede bang gamitin.

Tulad na lamang ng isang ina, na ginawang shoe organizer ang mga kahon ng gatas ng kanyang anak. Isang napaka malikhain at kapaki-pakinabang ang kanyang ginawa dahil hindi lang siya nakatipid sa gamit kundi nakatulong pa siya sa kalikasan. Ayon sa kanya, marami siyang naipon na mga kahon ng gatas ng kanyang maliit na anak.

Imbes na itapon niyang lahat ito para maging basura na lamang ay hindi niya ginawa kundi ginawa niyang lagayan ng mga sapatos ng kanyang pamilya. Marami ang naipon niyang mga kahon ng gatas nanghihinayang kasi siya kung ito ay itatapon niya lamang kung pwede pa namang gamitin uli upang makalikha ng isang bagay mula rito. Kaya hindi kalaunan nakagawa siya ng isang shoe organizer ng kanyang pamilya mula sa mga kahon na kanyang naipon.

Hindi lang ito basta kabinet ng mga sapatos kundi isang napaka gandang shoe organizer na nilagyan ng cover na itsurang kahoy upang magmukha itong gawa sa kahoy.

Kaya pinost niya sa kanyang facebook account ang kanyang ginawang shoe organizer. Ayon sa kanya, hinding hindi niya sasayangin ang kahon ng gatas ng kanyang anak. Kaya sa tuwing bibili siya ng gatas ng kanyang anak ay tinatago niya agad ito upang mapakinabangan sa mga susunod na mga araw. Dahil dito maraming mga netizens ang natuwa at naging inpisrasyon ang kanyang pagiging malikhain. Ang kanyang pamamaraan ay sumisimbolo lamang sa kanyang pagiging matipid at malikhain.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

NOAM CHOMSKY GLOBAL AWARDS WON BY TWO UP ALUMNI: MARIA LORENZO AND RAPHAEL PANGALANGAN

Filipinos’ Christmas Cheer Continues Amid Coronavirus Pandemic