in ,

Forbes Asia’s 100 Digital Stars 2020 had listed these 6 Filipina Celebrities.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Marian Rivera, Angel Locsin, Anne Curtis, Kathryn Bernardo, Kim Chiu and Sarah Geronimo ay mga bituin na tila umaabot ang ningning sa buong asya. Sila ay kabilang sa 2020 Forbes Asia’s 100 Digital Stars.

Dahil sa pagiging aktibo at mahusay na influencer ng mga ito sa social media ay natawag nito ang pansin ng prestihiyosong magazine na ito. Ibinase nila sa pagiging aktibo, endoresements, adbokasia sa mundo ng social media sa gitna ng global pandemic na nangyayari ngayon sa mundo. Ang lista ay inilabas noon Disyembre 7, 2020 at kabilang din rito ang iba pang mga sikat na artista at singers sa buong Asya.

Kabilang din ang girl group na Blackpink, BTS, Twice, EXO, si Hugh Jackman na kilala bilang si Wolverine, Si Chris Hemsworth na kilala bilang si Thor at si Rebel Wilson na gumanap sa pelikulang Pitch Perfect.

  1. Marian Rivera-Dantes

Kilalang artista si Marian Rivera at lalo pang minahal ng taong bayan matapos nito pakasalan ang aktor na si Dingdong Dantes at maging ina sa dalawa nilang anak.

Higit sa lahat ay ang mga kawanggawa na ginawa ni Marian tulad ng pagdodonate ng breastmilk para sa iba pang mga sanggol, pagbuo ng delivery service para sa mga frontliners sa panahon ng pandemya at pagbibigay ng mga pagkain sa mga ito. Meron siyang 23 Million followers sa Facebook ay tinatanghal na ‘most popular celebrity in the Philippines on Facebook’. Kahit na hindi ka madala manood sa home network nito ay tiyak na kilala mo siya.

  1. Angel Locsin
    Kilala si Angel bilang Asia’s ‘Leaders of Tomorrow’ dahil sa humanitarian advocacy nito at pagtulong sa mga nasalanta ng kalamidad. Hindi nawawala ang pangalang Angel Locsin pag usapang pagtulong sa kapwa dahil talagang ibinibigay nito ang makakaya upang tumulong sa iba.
  1. Anne Curtis

Si Anne Curtis ay tinanghal na Princess of all Media dahil sa dami ng endorsements nito. Ngunit may pusong matulungin din ito at kasama si Angel Locsin at tinayo nila ang COVID-19 mass testing fundraiser na siyang nakatulong sa bansa upang masagawa ang mass testing. Kabilang din siya sa UNICEF at patuloy na gumagawa ng paraan para matulungan ang kabataan sa buong mundo.

  1. Sarah Geronimo

‘Tala’ singer na si Sarah Geronimo ay pilit na minamahal ng tao kahit na mahilig ito magtago sa publiko ng mga kaganapan sa pribado nitong buhay. Isa marahil sa rason ay ang mabuti nitong puso na siyang tumulong noon para sa mga biktima ng Taal Volcano. Hanggang ngayon ay napakalaki ng impluwensya ni Sarah sa harap man ng camera o sa mundo ng social media.

  1. Kim Chiu

Minsan nang naging biktima ng cyber bullying ay hindi nagpatinag si Kim Chiu at sa halip ay naging inspirasyon niya ang pangyayari upang makatulong sa mga pamilya na naghihirap sa panahon ng pandemya. Naglabas ng kanta ang dalaga na ‘Bawal Lumabas’ na siyang naging instrumento nito upang paalalahanan ang taong bayan na protektahan ang sarili at ang mga nasa paligid nito. Ginawa din nito itong fundraiser at tumulong sa mga naghihirap na Pilipino.

  1. Kathryn Bernardo

Mayroong pusong mapagmahal sa mga hayop si Kathryn Bernardo na siyang naging adbokasiya nito tulad na rin ni Mega Star Sharon Cuneta. Pinakilala siya ng Forbes bilang best Actress sa mga pelikulang the Hows of Us at Hello, Love, Goodbye.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Isang bata na nakahulog ng kanyang tsinelas sa isang maputik na bangin ay kinuha ng isang nakakaaliw na pato

NOAM CHOMSKY GLOBAL AWARDS WON BY TWO UP ALUMNI: MARIA LORENZO AND RAPHAEL PANGALANGAN