in

LoveLove CuteCute OMGOMG LOLLOL CryCry WTFWTF AngryAngry

Isang bata na nakahulog ng kanyang tsinelas sa isang maputik na bangin ay kinuha ng isang nakakaaliw na pato

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  


Sa kabila ng krisis natin ngayon marami pa ring mga nakakaaliw na mga pangyayari sa buhay ng tao. Sa ganitong paraan makikita ang katatagan pa rin ng bawat isa.


Kagaya na lamang ng batang nag-viral dahil sa nakakaaliw niyang video. Ito ay matapos niyang mahulog ng hindi sinasadya ang kanyang tsinelas sa isang maputik na bangin at ang nakakaaliw nito ay naibalik ito sa kanya walang iba kundi isang maalalahanin na pato. Ang nakakagulat na insidente ay nakunan ni Myla Aguila habang naglalakad siya papunta sa kanyang bahay Sitio Madaguldol noong araw na iyon.


Batay sa video na ibinahagi ni Myla sa kanyang facebook account, makikita na ang batang lalaki ay nakaupo sa ibabaw ng isang maliit na bangin kung saan nahulog kanyang tsinelas. Makikita din rito suot na lamang niya ang isang kapares ng kanyang tsinelas. Habang ang isang nakakaaliw na pato ay kinukuha ito para sa kanya. Paulit-ulit na kinukuha ng pato ang tsinelas ngunit lagi niya itong nahuhulog pero hindi siya sumuko na makuha muli ito at maibigay sa bata. Hanggang sa huling pagsubok niya na makuha ito ay nagawa na ng pato na maibigay ito sa bata.


Kaya maraming tao ang naaliw sa videong ito dahil sa mabuting ginawa ng pato. Hindi alintana na siya ay isang hayop lamang pero nagawa niyang tulungan ang bata upang makauwi itong kumpleto ang kanyang tsinelas. Ayon kay Myla, siya ay napatulala dahil hindi niya akalain na magagawa iyon ng pato na animo’y parang isang tao ang kanyang ginawa. Napakabait ng pato dahil tinulungan niya ang bata kahit hindi niya ito kilala.


Ang mga hayop ay may kanya kanyang kakayahan kung paano sila makikisalamuha sa kanilang kapaligiran. Sa paggawa ng kabutihan hindi basehan ang uri ng nilalang. Dahil minsan kung sino pa ang nasa mababang uri pag-iisip sila pa ang nakakaisip gumawa ng kabutihan.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Stories From Around The World That Will Brighten Your Day

Forbes Asia’s 100 Digital Stars 2020 had listed these 6 Filipina Celebrities.