in ,

Si Jophel Ybiosa ang kauna-unahang Pilipino photographer na nagwagi sa Gold Awards sa BIFA, ND Awards

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Tunay ngang napakahusay ng mga Pilipino sa lahat ng larangan. Kahit saan man makarating, Pilipino ang nangunguna. Sila ang mga nagdadala ng tagumpay ng bansang Pilipinas. Sila ng nagpapayabong ng kulturang Pilipino.

Kagaya na lamang ni Jophel Ybiosa na isang mahusay na photographer. Siya ay nagdala ng karangalan sa Pilipinas bilang kauna-unahang Pilipino na nagwagi ng gintong gantimpala mula sa 2020 Budapest International Foto Awards (BIFA) at Neutral Density Photography Awards (ND) Awards.

Siya ay isang cruise photographer mula sa Princess Cruise Lines na lumaban sa iba’ ibang mga kumpetisyon internasyonal kabilang ang Asian Geographic, Moscow International Foto Awards, at ang International Photography Awards.

Si Jophel ay pinarangalan ng BIFA ng gintong gantimpala noong Disyembre 14, sa kategoryang “The Mud People Festival In Nueva Ecija”. Ito ang konsepto ng isang itim at puting imahe ng mga deboto na nagbigay galang kay Saint John the Baptist na kinuha sa Aliaga, Nueva Ecija noong 2018. Ito ang kanyang naging obra na siyang naging dahilan ng kanyang gantimpala. Ang may kulay na bersyon ng mga kinuhan niyang litrato ay nagwagi rin ng 1st Place at isang Gold Star Award mula sa lubos na kinikilala ng (ND) Awards noong Nobyembre.

Ang larawan na ito na may nakasaad na, “Ang larawan ay naglalarawan ng Mud People Festival sa Aliaga, Nueva Ecija, Philippines noong Hunyo 24, 2018. Ang mga deboto ay nagsusuot ng pinatuyong dahon ng saging at tinakpan ang kanilang sarili ng putik saka nag-alok ng dasal at nagbigay galang din kay Saint John the Baptist.”

Ayon sa isang lokal na alamat, papatayin na ng mga sundalong Hapon ang mga nayon ng Aliaga sa panahon ng World War II. Ngunit sa gitna ng buhos ng ulan, biglang nagbago ang isip ng mga sundalong Hapon. Pagkatapos, ipinagdiwang ng mga tagabaryo sa pamamagitan ng pagliligid sa maputik na lupa. Mayroong paniniwala na ang maligtas mula sa pagpapatupad ay isang himala ni San Juan Bautista.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Narito ang mga simpleng paraan na makakatulong upang pumayat

Isang pamilya ay nakahukay ng mga siglo ng ginto habang nagbubungkal sa kanilang hardin