in

Narito ang mga simpleng paraan na makakatulong upang pumayat

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Maraming mga babae ang nagalala kapag sila ay tumataba. Kaya lahat ng paraan ng pampayat ay kanilang ginagawa upang bumalik sa dating hubog ang kanilang katawan. Hindi naman masama sa kalusugan ang pagpayat basta’t lalakipan ito ng tamang paraan.

Ang mga gamot na pampayat ay hindi sigurado kung epektibo. Dahil panandalian lamang ang epekto nito na kapag itinigil ang pag-inom ay tataba ka uli.

Karamihan sa mga gamot pampayat ay nakakasira lamang ng kolon o nababago nito ang Sistema ng pagdumi. Kapag nagpatuloy ay maaaring bumagsak ang resistensiya ng iinom nito at makasira pa sa ating kalusugan.

Ayon kay Doc Willie Ong, mas maganda pa rin ang mga simpleng paraan ng pagpapayat na laman ng mga sumusunod:

1. Kumain ng balanseng pagkain maaring gawing 1 tasang kanin at kailangan mas marami ang gulay at pagkaing mayaman sa protina.

Photo :Google

2. Umiwas sa mga matatamis na inumin kagaya ng caffeinated drinks at iba pang klase nito. Nararapat lang na tubig lamang ang iinumin upang pang-washing na rin ng ating katawan.

3. Huwag kumain ng mga junk foods at mga tsokolate dahil mas mabilis itong makapagpadagdag ng timbang.

4. Umiwas sa panghimagas na pagkain dahil isa uri rin ito ng matamis.

5. Bawasan rin ang pagkain ng prutas lalo na ang mga prutas na matatamis kagay na lamang ng manga mas maigi ang pagkain ng mansanas at peras dahil hindi sila sobrang tamis.

Photo: Google

6. Ugaliin ang mag-ehersisyo araw-araw o kahit gumawa ng mga simpleng gawain na nakakapagpapawis upang mabilis matunaw ang mga kolesterol sa katawan.

Photo: Google

7. Kumain din naman ng paunti-unti dahil pagda-diet ang hindi na pagkain sa isang buong araw, tama lang na kumain kahit paunti-unti para pampawi ng gutom.

8. Higit sa lahat bawasan ang madaming ng pagkain matutong kontrolin ang sarili.

Disiplina pa rin sa sarili ang mas magandang paraan upang makamit natin ang gusto nating pangangatawan.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Online Jobs For Those With No to Little Experience That Can Help You Earn This Pandemic

Si Jophel Ybiosa ang kauna-unahang Pilipino photographer na nagwagi sa Gold Awards sa BIFA, ND Awards