in

Isang pamilya ay nakahukay ng mga siglo ng ginto habang nagbubungkal sa kanilang hardin

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Tunay ngang nakakatulong sa pamumuhay kung tayo ay may sapat na pera upang mabuhay. Minsan umaasa na lang tayo sa swerte at sa pagkakataon ito ay higit na nakakatulong. Ngunit, totoo nga bang may swerte?

May isang pamilya ang nakahukay ng mga gintong barya na nagmula pa noong huling bahagi ng ika-15 siglo ay natuklasan ng isang pamilya ng naghukay sila sa kanilang hardin. Ito nga ay isang tunay na swerte.

Ayon sa British Museum, ang kanilang mga nahukay ay isang koleksyon ng apat na barya na naglalaman ng inisyal ng mga asawa ni Henry VIII na sina Catherine ng Aragon, Anne Boleyn at Jane Seymour. Ang 63 mga gintong barya ay natagpuan sa lugar ng New Forest ng Hampshire. Ito ay makasaysayang ginto sa panahon ng mga British.

Dulot ng pandemiya ang pamilyang ito ay naisipang magbungkal sa kanilang hardin. Hindi nila lubos akalain na makakahukay sila ng mga siglong ginto na milyon na ang katumbas na halaga sa panahon ngayon. Ang mga kayamanan na ito ay kabilang sa higit sa 47,000 mga natuklasan na nakarehistro sa Portable Antiquities Scheme ng British Museum na may 6,251 na mga natuklasan na iniulat noong unang lockdown sa United Kingdom.

Si John Naylor, na nagmula pa sa Ashmolean Museum na nagsabi sa isang Portable Antiquities News na ang hoard ay sa malamang na itinago ng isang mayamang mangangalakal o klerigo na natatakot kay Henry VIII sa panahon ng Dissolution of the Monasteries, kung saan kinontrol niya ang maraming mga pag-aari ng relihiyosong pamayanan.

Ang ilang mga monasteryo at ilang simbahan ay sinubukan na itago ang kanilang kayamanan na umaasang mapanatili nila ito sa pangmatagalan.
Kaya lumipas ang maraming siglo ang mga naitagong kayaman ay hindi na nakuha dulot na rin ng kanilang himagsikan.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Si Jophel Ybiosa ang kauna-unahang Pilipino photographer na nagwagi sa Gold Awards sa BIFA, ND Awards

Stories From Around The World That Will Brighten Your Day