in

Online Jobs For Those With No to Little Experience That Can Help You Earn This Pandemic

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Marami ang nawalan ng trabaho at mga kompanyang nagsara ngayong panahon ng pandemya. Ngunit kailangan ay tuloy pa rin ang kayod na kumita para sa ating pamilya at mahal sa buhay. Kaya naman ay lumikha kami ng lista ng mga trabaho online na maaaring makatulong sa inyo na kumita.

  1. Transcriptionist
    Posibleng kita: Php. 1,000 at Php. 40,000 kung fulltime.

Sa trabahong ito, makikinig ka lamang ng audio clips at itatype ang mga sinasabi rito. Kailangan ay magaling ka sa languaheng English at mabilis magtype upang maraming audio clip ang matapos mo sa isang araw.

  1. Customer Support
    Posibleng kita: Php. 15,000 to Php. 37,500 kada buwan.

Kung nakapagtrabaho ka sa isang BPO company noon at may experience dito, maaari kang magtrabaho bilang homebased customer support kung saan ay sasagot ka ng tawag at magbibigay ng mga solusyon at kasagutan sa mga customer.

  1. Data Entry
    Posibleng kita: Php. 12,000 to Php. 15,000

Hindi na kailangan ng experience sa ganitong trabaho online ngunit makakatulong kung may kaalaman ka na sa computer at microsoft excel upang makapag ayos ng data. Ito ay maaaring mga reports, o personal data, depende sa kompanyang aaplyan mo.

  1. Virtual Assistant
    Posibleng kita: Php. 15,000 to Php. 51,000 kada buwan.

Isa sa mga trabaho na maari mong makuha online ay ang pagiging virtual assistant. Maaaring ipagawa sayo ng iyong kliyente ay page-email, pagsusulat, pagmamanage ng social media ng mga ito at iba pa.

  1. Online English Teacher
    Posibleng Kita: hanggang Php. 34,000 kada buwan.

Maraming nais matuto ng English at sinasamantala ang pagkakaroong ng lockdown sa kanilang lugar upang makapagaral ng lenguahe na ito. Kailangan lamang ay marunong ka ng lenguahe ng studyante at lenguaheng English.

  1. Content Writer
    Posibleng kita: Php. 20,000 to Php. 51,000 kada buwan.

Ang trabahong ito ay hindi na nangangailangan ng job experience. Marapat lamang ay marunong kang magsulat ng mga content na bibighani sa readers ng iyong kliyente.

  1. Social Media Manager
    Posibleng kita : Php. 5,000 to Php. 200,000 kada buwan.

Kung mahilig ka sa social media at alam ang pasikot sikot rito, pwede kang magapply bilang social media manager. Maaari ay magpo-provide ka ng content para sa iyong customer at ipost ito sa tamang oras kada araw.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

NAIA 1 Proposed Design Inspired By Banaue Rice Terraces Wows Netizens

Narito ang mga simpleng paraan na makakatulong upang pumayat