in

NAIA 1 Proposed Design Inspired By Banaue Rice Terraces Wows Netizens

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ipinakita na sa publiko ang proposed design ng nanalo sa bidding para sa pagrenovate ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 o NAIA 1.

Ayon sa Megawide-GMR, ay naging inspirasyon nila ang sikat na landmark sa Pilipinas, Ang Banaue Rice Terraces o ang tinaguriang 8th Wonder of the World. Nais nila umano na magiwan ng kakaibang impression at experience sa mga pasahero ng airport.

Nagbigay naman ng pahayag ang Megawide Executive Director na si Louie Ferrer at sinabing, “We’re not just rehabilitating an airport – we’re creating a new symbol for the country.” Dagdag pa nito, “We want NAIA’s reputation to change from ‘The Worst Airport’ to ‘An Airport Wonder’.

Ang pinaka eye-catching feature ng disenyo ng Megawide ay ang landscape na nasa gitna ng airport. Ayon dito, ito ay tinatawag na “Hagdan” kung saan puno ito ng halaman na nakapatong sa iba’t ibang lebel ng konkreto katulad ng isang hagdan. Ito ay tutuloy hanggang sa parking area at sa mga commercial buildings na dinisenyo ng National Artist na si Leandro Locsin.

Ang nasabing feature na ito ay dinisenyo ng Integrated Design Associates (IDA) na siyang nagdisenyo rin ng Passenger Terminal Building ng bagong Clark International Airport at ang Mactan Cebu International Airport Terminal 2.

Natalo ng MCIA Terminal 2 sa ranko ang Changi Airport ng Singapore sa World Architecture Festival nitong kamakailan lamang.

Nagalak naman ang mga netizens nang makita ang disenyo na gagawin sa NAIA terminal 1. Kuhang kuha nito ang kulturang Pilipino at tugma sa ganda ng ating bansa. Higit pa roon ay map-promote nito ang isa sa mga tourist attraction sa ating bansa, Ang Banaue Rice Terraces.

Sa nakaraang APEC summit at umani rin ng papuri ang Banaue Rice Terraces Inspired na disenyo ni Kenneth Cobonpue.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Here are the Tips for the Environmentally Healthy and COVID-Safe Christmas and New Year

Online Jobs For Those With No to Little Experience That Can Help You Earn This Pandemic