in ,

Ibinahagi ni Vice Ganda ang karanasan niya bilang isang ‘service crew’ sa isang restawran

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sinubukan ni Vice Ganda na magtrabaho bilang bahagi ng isang service crew para sa isang ‘fast-food’ restawran sa kanyang pinakabagong YouTube vlog. Lubos na naiintindihan ni Vice kung kagaano kahirap ang magtrabaho sa isang restawran lalo’t lalo na ngayong panahon ng pandemya. Ginawa ni Vice ang kaniyang bagong vlog na ito upang maibahagi sa mga manonood ang kahalagahan ng mga ganitong uri ng trabaho.

Ayon kay Vice, sa pang-araw-araw na buhay maraming pagsubok na hinaharap ng bawat isa. Mga pagsubok na hindi inaasahan at meron ding mga pagsubok na buong pusong nais na harapin. Sa araw na iyong ng kaniyang buhay ay meron siyang isang pagsubok na buong pusong haharapin at ito ay ang maranasang maging isang ‘service crew’ sa isang ‘fast food chain’.

Una siyang naatasan sa ‘takeout counter’, kung saan kumuha siya ng iba’t ibang mga order mula sa mga kostumer. Naging server din siya ng bigas at pumasok din siya sa loob ng kusina at natutunan kung paano mag-ihaw ng manok. Matapos gugulin ang kanyang oras bilang isang ‘fast-food worker’, nagpaabot ng pasasalamat si Vice sa buong pamunuan ng restawran.

Ayon sa kaniya, siya ay buong pusong nagpupunyagi sa lahat ng empleyado binabati niya ito dahil sa naging kasipagaan ng mga ito at kitang-kita naman talaga sa kanila kung gaano kagandang serbisyo ang ibinibigay nila sa tao. Dagdag pa niya, siya ay lubos na natuwa sa kaniyang naging serbisyo at marami siyang natutunan at bagong naranasan sa kaniyang buhay. Masaya din siya sa kaniyang naging mga kasama niya na mapagtagumpayan ng may kasiyahan sa puso ang kaniyang ginawa.

Sa buhay ng tao, lahat ng bagay na inaasam-asam ay pinagsisikapan upang maging matagumpay sa buhay. Hindi lahat ng tao ay maswerteng nagkakaroon ng trabaho lalo ngayon na marami ang nawalan ng trabaho kaya pahalagahan ang pagkakaroon ng hanapbuhay ng bawat isa.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

GenSan Born Boxer, Reymart Gaballo, Takes The Spotlight As He Subs For Donaire

Here are the Tips for the Environmentally Healthy and COVID-Safe Christmas and New Year