Malaking usap-usapan ngayon sa mundo ng boxing ang naganap na pagsub ni Reymart Gaballo sa laban ni Donaire. Katulad ng kamao ng bayan na si Senator Manny Pacquiao, ay laking GenSan din si Reymart Gaballo.
Tinuturing na isang undefeated fighter si Gaballo dahil sa kabilib-bilib nitong record na 23 wins, 0 losses at 20 knock out. Nabansagan itong ‘GenSan Assassin’ dahil sa mabibilis nitong suntok at sa mabilis nitong napapatumba ang kalaban. Kaya naman ay kabilib-bilib ang mga natamo nitong panalo sa mga laban nito.

Siya din ang kasalukuyang may hawak ng WBA bantamweight title na napanalunan niya sa laban kay Stephon Young. Yun lamang at dadaan ito sa matinding training dahil ang huling laban nito ay noon November 2019 pa at maaari niyang maranasan ang sinasabing ‘ring rust’.

Likas nang minahal ng nga Pilipino ang sport na boxing, na siyang nagbigay ng inspirasyon sa mga bagong boxers ng ating bansa. Isa sa mga sikat na boxer ng ating bansa ang “Filipino Flash” na si Nonito Donaire na nakatawag pansin na ang angkin na galing sa buong mundo.
Nakatakda naman makalaban ni Nonito Donaire ang Puerto Rican boxer na si Emmanuel Rodriguez para sa WBC Interim Bantamweight Crown.
Sa kasamaang palad ay nagtest na positive si Nonito Donaire ng Covid-19 at kinaalangang umatras sa laban. Sa halip, ay matutupad pa din na may makakalabang Pilipino si Rodriguez at ito ay ang tinaguriang GenSan Assassin, na si Gaballo. Halatang hindi papalampasin ng undefeated boxer na si Gaballo ang pagkakataong makakuha ng World Title.

Ang 24 anyos na boxer ay lalaban sa Mohegan Sun Casino sa Uncasville Conneticut.
Comments
Loading…