in

Five Outstanding Filipinos Who Followed Their Passion

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Nakakaramdam ka ba ng panghihina at pagkawala ng motivation sa pagtupad ng iyong mga pangarap? Karamihan ay nakakadanas ng ganito ngunit kailangan natin magtumibay upang makamit natin ang pinapangarap natin. Narito ang limang kilalang Pilipino na nagpatuloy sa kanilang lakbayin na abutin ang kanilang mga pangarap sa kabila ng pagsubok na kinaharap nila.

  1. Isang Ama na may talento sa pagaayos ng buhok.

Lumaki si Jiro Kinoyama sa puder ng kanyang mga kamaganak. Hindi niya nakilala ang kanyang Hapon na Ama at ang ina naman niya ay nagtatrabaho sa ibang bansa, kaya naman ay sa murang edad ay tumanggap sya ng iba’t ibang trabaho upang kumita. Sa isang di inaasahang pagkakataon ay nasubukan niya ang trabahong hairstyling. Doon niya nadiskubre na may angkin pala siyang talento rito at gusto niya ang trabaho. Kaya naman sa kabila ng kahirapan ay nagpursige sya sa napiling trabaho.

Photo: ABS-CBN
  1. Ang gangster na naging rapper at advocate.

Lumaki sa Tondo at kilalang gangster si Shielbert Manuel o “OG Sacred”. Nadikubre nya ang kanyang pagmamahal at talento sa pagra-rap at nais na gamitin ito upang mailmpluwensyahan ang iba pang mga gang sa Tondo na iwasan maging bayolente at gawing ligtas ang lugar ng Tondo para sa susunod na henerasyon.

Photo: ABS-CBN
  1. Ang Taong may pagibig sa Sining at Siyensya.

Kilala si Engr. Julius Sempio bilang isa sa mga siyentista na nakapagsalin ng mga imaheng nakuha ng Diwata-1, ang kauna-unahang satelite ng Pilipinas. Sa kabilang banda, ang unang hilig gawin nito ay ang pagguhit ng komiks na siyang patuloy niyang ginagawa hanggang ngayon. Rito ay nahanap niya ang balanse sa pagguguhit at pagiging siyentista upang maglingkod sa ating bansa.

Photo: ABS-CBN
  1. Ang sining sa paglikha ng stained glass.

Kilala si Nelben Salvado bilang anak ng isang stained glass artist. Maaga naging ama si Nelben na siyang nagudyok rito na subukin ang pagiging stained glass artist katulad ng kanyang ama. Pinagaralan at sinikap niyang maging magaling sa sining na ito hanggang na naramdaman nito na tulad ng kanyang ama ay may talento pala siya sa paglikha ng stained glass. Sa kabila ng pagiwan sa kanya ng kanyang asawa at anak ay ipinagpatuloy niya ang paglilikha ng stained glass para sa pangarap na gusto niyang makamit.

Photo: ABS-CBN
  1. Ang babaeng naging inspirasyon sa kabila ng pagkabulag.

Isang writer sa malaking media company si Jo Olorocisimo na may magandang kinabukasang nagaantay sa kanya. Ngunit isang araw ay nadiagnose si Jo ng glaucoma, kung saan ay unti unting mawawala ang paningin nito hanggang sa tuluyang mabulag ito. Masakit man malaman ang kanyang kapalaran ay naglakas loob si Jo na gumawa ng paraan upang maging handa. Ngayong kahit na nawala na ang kanyang paningin at tumutulong si Jo sa mga visually impaired na kagaya niya.

Photo: ABS-CBN

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

New concept of earrings which can use in tracking glucose level

GenSan Born Boxer, Reymart Gaballo, Takes The Spotlight As He Subs For Donaire