in ,

That Cute Kid From The Camella Homes Comercial Grew Up Beautiful

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sikat na sikat noong early 2000’s ang commercial ng Camella Homes na madalas ipalabas sa TV. Hindi maiwasang tumatak sa isipan natin ang kantang “Bulilit Sanay Sa Masikip” at lalong-lalo na ang napakakyut na child star na bumida sa commercial.

Si Chacha Canete ang kyut na batang ‘bulilit’ sa nasabing commercial na umere noong 2009. Madalas man maipalabas sa TV ang commercial ay hindi nagsawa ang mga tao sa panonood sa batang bumida rito.

Matapos makitaang ng talento si Chacha sa commercial ay nagpasya ang mga magulang nito na ipasok sa ‘going bulilit’ ng ABS-CBN ang anak kung saan ay tumagal ito sa pag-arte hanggang 2015.

Dahil sa talento ni Chacha at sa inosente nitong mukha ay nakuha nito ang pansin ng madla. Subalit hindi natatapos ang kasikatan ni Chacha sa telebisyon dahil matapos nitong magdesisyon na unahin ang pag-aaral kaysa sa pag-aartista ay umani naman si Chacha ng maraming academic awards at nanalo sa mga singing competition.

Hindi rin sa telebisyon nagtapos ang pag-aarte ni Chacha dahil sumali rin ito sa theater arts sa kanilang eskwelahan kung saan ay nagagamit at nasasanay nya ang kanyang talento sa acting. Gumanap naman bilang Disney Princess na si Mulan si Chacha sa kanilang school play na inani ng papuri sa mga manonood.

Trisha Luise ang tunay na pangalan ni Chacha Canete. Ayon naman sa Pep.ph, ay nakamit ni Chacha at ng kanyang grupo ang Second Place sa NCR’s 37th Division Young Writers Contest nitong October 2016 ng Department of Education sa Radio Broadcasting & Scriptwriting. Nanalo rin si Chacha ng Best Anchor Award.

Nito lamang ay kinanta ni ChaCha ang bersyon niya ng “Fight Song” ni Rachel Platten sa Wish 107.5 na umani ng maraming likes at naging top 8 sa Youtube PH trends.

Noong 2013, siya ang nagrepresinta sa Pilipinas sa competisyon na idinaos sa Hollywood, California na 17th World Championship of Performing Arts (WCOPA) kung saan ay sumali siya sa limang kategorya ng kompetisyon.

Nakamit nya ang dalawang silver medals para sa kategoryang Pop and Gospel para sa bersyon niya ng “The Climb” at “Climb Every Mountain”.

Nanalo rin siya sa Spelling Competition ng DepEd noong 2015 at dahil rito ay siya ang pinadala sa Korea upang magrepresinta sa ating bansa sa Model United Nations Camp.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Get to Know The Artists You Could Never Think They Were Relatives

Man Used 100,000 Plastic Bottles To Build His Very Own Island