in ,

House Helpers of Mariel and Robin Padilla In Tears After Moving In The Apartment The Couple Built For Them

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Hindi maipagkakaila ang laki ng tulong na nabibigay ng mga kasambahay. Hindi madali magasikaso ng mga gawaing bahay at sabay na nagtatrabaho at nagpapalaki ng anak. Kaya naman ang ang mag-asawang sina Mariel at Robin Padilla ay sinuklian ang kabutihang ipinakita sa kanila ng mga mahal nilang kasambahay.

Tila isang ideya lamang nitong unang buwan ng 2020 sa mag-asawa ang magpatayo ng apartment para sa kanilang mga kasambahay. Ngunit nang dumating ang pandemya at nakita ng mag-asawa ang bahay na tinitirahan ng mga ito, ay napagpasyahan na nilang ituloy ang kanilang plano.

Sa libreng pabahay ng magasawa ay tiyak na mapapabuti ang buhay ng mga ito, kaya naman ay lubos na nagpasalamat sila sa mag-asawang Padilla. Nagbigay pa ng pahayag si Yaya Jo na tatlong taon nang nagseserbisyo sa pamilya, “Nagpapasalamat po ako dahil napapunta ako sa pamilya ninyo. Kakaiba po ang naranasan namin dito, hindi namin mararanasan sa iba.”

Ayon din sa iba pa nilang kasama, “Iba po yung ipinapakita ninyo sa amin. Kakaiba po ang pakiramdam. Parang at home na at home po ako dito sa bahay ninyo.”

Kamakailan lamang ay nagdaos ng unang kaarawan ang pinakabatang anak nila Marial at Robin na si Gabriela. Dito ay nagpaliwanag si Mariel ng dahilan ng pagpapatayo nila ng apartment para sa mga kasama nila sa bahay, “During the start of the pandemic, dito sa amin we really followed very very strict quarantine rules. Talagang no one comes in and out.”

Dahil mayroon silang mga bata sa bahay ay kinailangan nilang protektahan ito sa pagiging istrikto noong quarantine. Kabilang na din ang kanilang mga kasama sa bahay at para hindi na rin sila mag-alala at hindi na rin mahirapan na maghanap ng lilipatan ay napagpasyahan nilang mag-asawa na magpatayo ng apartment.

Kinatuwa naman ng mga netizens ang ginawa ng mag-asawa kaya naman ay marami pa lalo ang humanga sa mga ito.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Drinking “hot cocoa” contributes to a healthier brain and better memory flow

Pacquiao takes over as leader of Duterte’s PDP-Laban