in

Mga nangungunang kumpanya ng pagkain ay nagkaisa para sa pagbibigay ng, “Brand Aid: Noche Buena Para sa Lahat”

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Nilalayon ng inisyatiba na ito na maibigay ang mga Noche Buena kit sa mga pamilyang Pilipino na apektado ng pandemya at mga nagdaang bagyo.

Ang Pasko ay isa sa pinakamahalagang pagdiriwang sa Pilipinas. Isa sa pinagdiriwang tuwing pasko ay ang Noche Buena, kung saan nagsasama-sama ang mga pamilya upang magbahagi ng mga kwentong kasiya-siya sa hapag kainan. Ngunit ngayong taon, magkakaroon ng pagbabago ang Pasko para sa milyun-milyong mga Pilipino sanhi ng pandemya at ng nagdaang sakuna. Tinatayang 7.6 milyon na pamilyang Pilipino ang nagugutom sa panahon ng krisis, na bumababa sa antas ng kahirapan at nakaranas ng hindi sinasadyang kagutuman. Marami sa mga pamilyang ito ay maaaring hindi na kayang maglagay ng pagkain sa mesa o kahit na mag-isip ng paghahanda ng kanilang Noche Buena. Dahil dito, nagsama-sama ang Unilever Philippines, RFM Corporation, Dole Philippines, Century Pacific Food, Inc., at Lazada upang magbigay para sa mga apektadong pamilyang Pilipino.

Kasama ang Rise Against Hunger Philippines, isang pagsasama ang kanilang inilunsad upang magbigay ng tulong sa pamamagitan ng “Brand Aid: Noche Buena Para sa Lahat.” Ito ang kauna-unahang pakikipagtulungan ng mga kumpanyang ito ng pagkain, na may layuning magbigay ng pag-asa at dalhin ang pagdiriwang ng Noche Buena sa mga pamilyang nangangailangan. Ang mga kumpanyang ito ay nangangako na magtutulungan sa bawat isa at kasama ang iba pang mga sektor ng lipunan, upang aktibong magtaguyod para sa isang Pilipinas na malaya sa gutom. Sa pamamagitan ng “Brand Aid: Noche Buena Para sa Lahat”, nangangako silang ibibigay ang 70,000 Noche Buena kit para sa mga pamilyang Pilipino, kasama na ang mga naapektuhan ng mga nagdaang kalamidad.

Ayon kay Executive Director Jomar Fleras, ng Rise Against Hunger Philippines na nakikita at nararanasan nila ang katotohanan ng kagutuman araw-araw sa mga pamayanan na kanilang pinaglilingkuran. Kaya ang kanilang misyon ay magsisimula ng pag-asa sa pamamagitan ng mga pagkain na para Noche Buena para sa darating na Pasko. Ang Brand Aid ay nagbibigay ng isang mensahe na ang mga negosyante at gobyerno ay nararapat lamang na magtulong-tulong upang labanan ang gutom. Dagdag pa niya na masaya silang ipagpatuloy ang laban para sa kapuwa nila Pilipino, at inaasahan nilang mahikayat pa nila ang ibang Pilipino na suportahan ang Brand Aid.

Ang Brand Aid ay bahagi ng suporta ng grupo sa adbokasiya ng Pilipinas Kontra Gutom, isang kilusan sa ilalim ng Task Force Zero Hunger ng gobyerno na pinangunahan ni Cabinet Secretary Karlo Nograles. Ang mga kumpanya sa likod ng Brand Aid ay nakipag-uganayan sa iba’t-ibang sangay ng mga pribadong kumpanya at social network upang maipahatid ang adbokasiya sa mas maraming mga Pilipino at hikayatin silang maging bahagi ng hangaring ito. Sa pamamagitan ng Brand Aid, ang mga kumpanya at indibidwal ay maaaring magbigay ng Noche Buena para sa isang pamilya sa pamamagitan ng pagbili ng mga ito na makikita sa Lazada sa halagang PHP300. Ang mga Noche Buena kit na ito ay naglalaman ng mga pangunahing pangangailangan tuwing Pasko, na tutulong sa mga pamilyang Pilipino na ipagpatuloy ang diwa ng pasko sa kabila ng mahirap na sitwasyon sa panahong ito.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

“Eddie Garcia Bill” Approved, Workers in the Industry Feels Relieved

Drinking “hot cocoa” contributes to a healthier brain and better memory flow