in

“Eddie Garcia Bill” Approved, Workers in the Industry Feels Relieved

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Na apprubahan na ang “Eddie Garcia Bill” o ang House Bill No. 7762 na naglalayang ma protektahan ang mga manggagawang nasa entertainment industry na mabigyan ng ligtas na lugar at kapaligiran sa kanilang pinagtatrabahuan.

Ito ay ipinangalan sa beteranong aktor na si Eddie Garcia na na-comatose at kalaunan ay namatay, matapos matapilok sa isang cable wire habang nagtatrabaho para sa isang teleserye sa GMA-7 noong June 2019.

Marami ang umapela upang magkaroon ng batas na maproteksyunan ang mga nagtatrabaho sa industriya ng pelikula, radyo o telebisyon. Pag ang House Bill na ito ay naging batas, ang mga employer ay kinakailangang bigyan ng kontrata ang kanilang manggagawa kung saan ay nakasaad ang buong job description, mga araw at oras ng kanilang trabaho, benefits, mga kinakailangan i-bawas sa sweldo tulad ng SSS, Pag-Ibig Fund at Phil Health, board and lodging at mga polisiya ng kompanya.

Ito ay inaprubahan noong Nobyembre 24 kung saan ay 235 na kongresista ang bumoto nang walang abstain o pag kontra sa nasabing Bill.

Ito ay pinangunahan ni House Deputy Speaker at 1-Pacman Party-list Representative na si Michael “Mikee” Romero, na siyang stepson ni Eddie Garcia.

Kasalukuyang nakabinbin sa committee level ang House Bill 7762 at gagawan ng Senado ng kanilang bersyon na magiging Senate Bill 294, at ma-consolidate ang dalawang panukala. Ang pinag-isang bersyon ng Eddie Garcia Bill ay isusumite kay Pangulong Rodrigo Duterte. Pipirmahan ito ng pangulo at magiging ganap na batas.

Ang batas ay maglalaman ng mga polisiya katulad ng pagtatakda ng walang oras na pagtatrabaho na maaaring ma extend sa 12 hours. Kapag mahigit 12 hours ay ikokonsidera na ito na overtime at may kaukulang overtime pay.

Mayroon na ring minimum wage na idedeklara at awtomatikong covered ang SSS, Pag-Ibig Fund at Phil Health.

Obligado na ring na magprovide ang employer ng pagkain kada anim na oras, tubig, dressing rooms, palikuran sa bawat gender at person-diasability friendly, maaliwalas na holding areas at accomodation para sa mga out-of-town na taping. Kinakailangan din na may mga sasakyan na laging handa para sa mga oras ng emergency.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Dating Bise Presidente Ng Pfizer, Inanunsyo Na Hindi Na Kailangan Ang COVID-19 Vaccine Dahil Tapos Na Ang Pandemya.

Mga nangungunang kumpanya ng pagkain ay nagkaisa para sa pagbibigay ng, “Brand Aid: Noche Buena Para sa Lahat”