in

Lalaking Anim Na Beses Na Nabigo Sa Exit Exam, Naging Top Notcher Sa Engineering Licensure Exams

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ayon nga sa isang tanyag na kasabihan, na kung sa una ay hindi ka nagtagumpay, subukan at subukan itong muli. Ito ang naging inspirasyon kay Aaron Polancos na nabigo na ng 6 na beses ngunit nag top notcher sa Engineering Licensure Exams. Bilang mag-aaral na nagtapos BS Electronics Engineering sa Mapua Institute of Technology sa Maynila, nagpumilit si Polancos na makapasa sa tinatawag na exit exam na kinakailangan para sa pagtatapos. Ito ay walang hangganan, kung gaano karaming beses ang isang mag-aaral na maaaring kumuha ng exit exam dahil ito ay isang basehan upang makapagtapos.

Kaya para kay Polancos dapat siyang pumasa sa pagsusulit upang maging karapat-dapat para sa pagtatapos. Sa mga oras na iyon, si Polancos ay laging nabibigo dahil kahit pailang beses na siyang nagsusulit ay patuloy siyang nabibigo. Naramdaman na niya ang tensiyon na baka hindi na siya makapasa. Ngunit lagi niyang naiisip na nararapat na siya ay pumasa para sa kanyang mga magulang. Kaya’t sa ika-pitong niyang pagsubok muli ay nagawa na niya ito.

Ayon sa kanya, nag-aral naman siya ng mabuti. Kaya’t nalulungkot siya sa tuwing hindi siya nakakapasa kaya laking tuwa at pasasalamat niya na sa ika-pitong pagkakataon ay nakapasa na siya. Kung isasaalang-alang ang mga paghihirap na naranasan niya sa sa tuwing kukuha siya ng exit exam, nawawalan talaga siya ng pag-asa na maipasa ang board exam para sa kanyang propesyon.

Kaya na sorpresa siya nang malaman na siya ang nakakuha ng pinakamataas na marka sa Electronics Engineering Licensure Examination. Naalala ni Polancos na natutulog siya ng mga oras na lumabas ang resulta ng board exam. Hindi na talaga siya makapaniwala nung mga oras na iyon. Ngunit hindi nagtagal ay masaya siyang sumisigaw sa sobrang galak ng malamang ang mabuting balita.

Para sa isang taong hindi nawalan ng pag-asa sa pagpasa ng exit exam at hindi pagiging isang honor student, ito ay tunay na isang kamangha-manghang pagtatagumpay sa sarili. Itong kwento ni Polancos ay pupukaw sa mga maraming mag-aaral na magsumikap at huwag mawalan ng pag-asa lalong-lalo na para sa hinahangad na kinabukasan. Ito nawa’y maging isang inspirasyon sa bawat mag-aaral.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Ang higanteng watawat ng Pilipinas na may “Solar Light Display” ay inaalay para sa mga frontliner ng COVID-19 sa pagdiriwang ng Bonifacio Day

Dating Bise Presidente Ng Pfizer, Inanunsyo Na Hindi Na Kailangan Ang COVID-19 Vaccine Dahil Tapos Na Ang Pandemya.