in

Si Elon Musk na ang Pangalawa sa Pinaka Mayamang Tao sa Mundo

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ang bilyonaryong si Bill Gates ang dating may hawak sa pangalawang pwesto ng pinaka mayamang tao sa mundo, ngunit natalo na ito ng product Architect ng Tesla na si Elon Musk.

Ang Tesla ay isang Electric Car Company na gumagamit ng makabagong teknolohiya upang gumana ang isang kotse gamit ang baterya at hindi gasolina.

Nagmamay-ari ng 20 percent ng Tesla shares si Elon Musk at sa biglaang pagtaas ng shares ng kompanya nitong 2020 ay siya ding pag dagdag ng net worth ni Elon Musk sa halagang $100 billion. Ito ang isa sa pinakamalaking dahilan upang ma angkin ni Elon Musk ang pangalawang pwesto.

Nalagpasan din nito ang CEO ng Facebook na si Mark Zuckerberg na siyang nakaupo bilang pangatlong pinakamayamang tao sa mundo.

Ang Amazon founder naman na si Jeff Bezos ay nananatili pa rin bilang number one na pinakamayamang tao sa mundo.

Ang Tesla ay kasalukuyang sumali sa S&P 500 index na siyang punong dahilan ng mabilisang pagtaas ng stock price ng kompanya.

Ang S&P 500 index ay isang stock market index kung saan ay sinusukat ang performance ng 500 na pinakamalaking companya sa United States na nakalista sa stock market nito.

Dahil dito, ay hindi lang doble, kundi 5 times ang itinaas ng stock market ng Tesla ngayong taon.

Isa din sa mga kompanya ni Elon Musk ay ang SpaceX na nakitaan ng success dahil sa taon na ito ay nakapagpadala ng apat na astronauts sa space ang kompanya na siyang pagtupad sa unang kontrata nito sa NASA, ang US space agency.

Ang shares nito sa Tesla ang may pinakamalaking posyente sa kabuuhang kinikita ni Elon Musk na siyang nagbigay sa kanya ng titulo bilang pangalawang pinakamayamang tao sa mundo.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Ang mga bagong uri ng phone case na gawa sa halaman, ay gawang Pilipinas

Sina Senator Manny Pacquiao at Cesar Montano ay nakatakdang makatambal si Hollywood Actress Angelina Jolie