in

Tinawag na ‘Wonder Ate’ ang isang mag-aaral dahil sa pagtulong nito sa modyul ng kaniyang mga kapatid

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sa halip na pagtuunan lamang ng pansin ang kanyang pag-aaral, ang isang mag-aaral nasa Baitang 10 ay pinangalanan bilang “Wonder Ate” para sa pagtulong sa kaniyang mga nakababatang kapatid sa kanilang mga modyul sa pag-aaral. Hinangaan siya ng mga netizen dahil sa kaniyang pasensya at dedikasyon, lalong lalo na dahil marami rin siyang mga bagay na dapat gawin para rin sa kaniyang pag-aaral.

Isang aktibong mag-aaral sa Balintocatoc Integrated School sa Santiago City, Isabela, si “Wonder Ate” Catherine P. Palpallatoc ay nakakuha ng papuri mula sa mga netizens matapos na maibahagi ang kaniyang kwento sa social media ng DepEd. Ayon sa post, sinabi niya na kahit na siya ay isang aktibong mag-aaral, tinutulungan pa rin niya ang kaniyang mga nakababatang kapatid sa kanilang mga aralin ito ay sina Ace na nasa ika-limang baitang at Elton na nasa ika-anim na baitang.

Ayon kay Catherine, na nasa ika-sampung baiting ang may mahihirap na aralin. Subalit pinagsisikapan niya ang lahat na magawa agad at matapos ang mga ito upang matulungan din niya ang kaniyang mga kapatid. Dagdag pa niya, marami pa siyang mga modyul na dapat sagutan pero gusto pa rin niyang tulungan ang kaniyang mga nakababatang kapatid upang hindi sila mapag-iwanan.

Ang kaniyang kwento ay naging isang inspirasyon, na sa kabila ng mga paghihirap na kinakaharap ng maraming mag-aaral at magulang sa gitna ng new normal na sistema ng pag-aaral ay dapat pa ring magsikap at mag-aral ng mabuti. Ginawa siyang halimbawa ng DepEd kung gaano karaming mga tao ang pinahahalagahan ang edukasyon bilang susi ng kanilang tagumpay sa hinaharap.

Narito ang payo ni Catherine sa kaniyang kapuwa mag-aaral, “Hindi man madali ang kinahaharap natin ngayon pagdating sa pag-aaral, hindi natin alam na hindi natin kakayanin. Sa kapuwa ko mag-aaral, kailangan natin nang tiyaga at pagsusumikap dahil sa edukasyon ang pinakaimportante. Kung nahihirapan, huwag mahihiyang magtanong sa guro at kung pakiramdam na nawawalan nang pag-asa o pakiramdam natin napapagod dahil sa aktibidad, nandiyan ang Diyos bilang kasagutan at huwag tayong sumuko dahil dito masusukat kung gaano tayo katatag na harapin ang new normal. Covid-19 lang po ‘yan, estudyante tayo.”

Lagi nating iisipin na ang pag-aaral ang susi sa lahat ng hamon ng buhay. Ayon nga sa isang kataga, “Ang edukasyon ay ang pasaporte sa hinaharap, ang para bukas ay kabilang sa mga naghahanda para ngayon”.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Filipina Celebrities with Loving Partners who also Happens to be Super Rich

Ang mga bagong uri ng phone case na gawa sa halaman, ay gawang Pilipinas