in

Ang sanggol na inilagay sa palanggana noong bagyong Ullysses ay naging inspirasyon ng isang manunulat

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ang isang manunulat at tagapagturo na si John Ronnel “Jeron Tanglaw” Popa, ay naglabas ng isang libro ng larawan na tinawag na “May Beybi sa Batya” naging inspirasyon niya ang nag-viral na kwento ng isang tatlong buwan na sanggol na inilagay sa isang palanggana na plastik upang makaligtas sa mga pagbaha sa Cagayan Valley. Ang mga guhit ng ilustrador ay nagpapakita ng pag-asa at katatagan sa kabila ng paghihirap na kinakaharap ng mga Pilipino dahil sa epekto ng mga nagdaang bagyo sa Pilipinas.

Ayon kay John Ronnel, nilikha niya ang larawan ng libro sa loob ng tatlong oras upang makalikom ng pondo para sa mga Pilipinong nasalanta ng bagyo. Isang larawan ng sanggol na si Ayla ang nasa loob ng isang “batya”, sa kalagitnaan ng malawakang pagbaha sa La-lo Lambak ng Cagayan ay nag-viral ito sa social media at marami ang naghambing nito sa kwentong biblikal tungkol sa batang si Moises na nailigtas din sa isang basket.

Ayon sa mga ulat, ang palanggana ay ginamit bilang isang paraan ng transportasyon para sa sanggol ng kaniyang mga magulang upang makatawid sa malalim na tubig-baha na dulot ng Bagyong Ulysses.

Dagdag pa ni John Ronnel, siya ay nagpaabot na ng tulong sa pamilya ng sanggol na si Baby Ayla at sa lahat ng mga taong nasalanta sa lugar ng Cagayan Valley. Ang lahat ng mga nalikom sa libro ni John Ronnel ay mapupunta sa mga biktima ng Bagyong Quinta, Rolly, at Ulysses.

Nitong Nobyembre 17, 2020 lamang ang kaniyang “May Beybi sa Batya” na obra ay nakalikom na ng higit sa PhP 173,000 para sa mga nasalanta ng bagyo sa Cagayan Valley, Pollilo, Quezon, Pangasinan, Isabela, Bulacan, Catanduanes, Albay, at iba pang mga karatig lugar na apektado ng laganap na pagbaha. Ang may-akda na si John Ronnel Popa ay tunay ngang siya ay may mabuting kalooban dahil gamit ang kaniyang obra maestra ay nagawa niyang tumulong.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Mga Guro sa Zamboanga Sibugay nag disenyo ng isang aparato upang ang mga Modyul ay madisimpektahan

Success Stories of Eight Big Filipino Entrepreneurs who started small