in

Pinuri ng isang Guro ang taong nagbalik ng Php10, 000 na mali niyang naipadala sa ibang GCASH Account

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sa panahon ng teknolohiya ngayon, may mga bagay na pwedeng gawin ng madalian. Kagaya na lamang ng madaling magpadala ng pera sa sinuman kahit na wala kang isang bank account at wala rin ang tatanggap. Marami nang mga remittance center at maaari mo ring gamitin ang iyong cellphone para sa mga nasabing serbisyo. Ngunit ang kaginhawaan ng pagpapadala ng pera nang madali sa online kung minsan ay nagkakaroon ng mga pagkakamali.

Narito ang isang kwento ng isang guro at pangulo ng AB Montessori School for Excellence, Inc., na si Sheryll Dijamco Abril. Siya ay nagpadala ng Php10, 000 sa isang tao ngunit nagkamali ito ng na itype na numero ng GCASH ng kaniyang padadalhan. Alam niyang mahirap na itong maibalik sa kaniya nang maling taong kaniyang napadalhan. Hindi na iniisip ni Sheryll na ibabalik ito ng taong nakatanggap ng pera.

Ngunit laking gulat niya nang makatanggap siya ng isang mensahe galing sa maling taong nakatanggap ng kaniyang padala sa GCASH ay nagpadala ng pera. Ang taong ito ay si Ed Michael Monares, ay hindi nag-atubiling ibalik ang pera, ang buong Php10, 000, sa GCASH account ni Sheryll na may isang mensahe ipinapaalam nito sa kaniya ang tungkol sa pagkakamali niyang pagpadala niya ng pera.

Laking tuwa ng guro na naibalik ang pera kaya’t nagbahagi siya ng isang screenshot ng mensahe ng GCASH, na isinalaysay ang insidente sa kanyang Facebook account na may mensaheng ito ay ‘Worth Sharing’ na marami pa rin ang mabubuting tao sa mundo.

Siya ay nagpasalamat kay Ed Michael Monares, sa pagsauli niya ng pera. Hindi man sila magkakilala nakikita na niya ang kabutihang-loob nito. Siya ay nananawagan sa social media na kung sino man ang nakakakilala sa kaniya ay kung maaaring ipaabot sa kaniya ang taos puso niyang pasasalamat. Naging viral ang kuwentong ito at maraming tao ang pumupuri kay Ed Michael Monares para sa kanyang katapatan. Ang pagiging matapat ang bihira na lamang sa panahon ngayon ngunit sa kabila ng lahat mayroon pa ring talagang taong isinasa-puso ang katapatan.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Ang dalawang mag-kasintahan na matapang na hinarap ang matinding baha upang matuloy lamang ang kanilang kasal

Ang Kauna-unahang Pinay na Mission Controller ng mga Astronauts sa Europa ay isang Cordilleran