in

Ang dalawang mag-kasintahan na matapang na hinarap ang matinding baha upang matuloy lamang ang kanilang kasal

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Walang makakapigil sa dalawang magkasintahan sa kanilang pag-iibigan, anumang bagyo ang dumaan. Ang magkasintahan na sina Ronil Guillipa at Jeziel Masuela ay dumaan sa maputik na tubig-baha, upang makarating lamang sila sa simbahan sa araw ng kanilang kasal. Ang kanilang “I Do” ay wala ng makakapigil pa. Ang litrato ng magkasintahan ay kumalat sa social media at maraming netizens ang natuwa dahil sa kanilang ginawa upang matuloy lamang ang kanilang kasal.

Ang mag-kasintahan ay nagmula pa sa liblib na lugar ng Mabinay, Negros Oriental. Sila ay nakasuot ng damitmpang-kasal para sa kanilang espesyal na okasyon. Sila ay nakuhaan ng litrato na naglalakad sa malalim na tubig na kanilang dinaanan. Sa kabila ng malalim na tubig, hindi sila nagpadaig upang maabot lamang ang simbahan ng mas maaga sa araw na iyon. Sa gitna ng matinding ulan ng araw na iyon, bago mag-landfall ang Bagyong Quinta ayaw ng magkasintahan na ipagpaliban ang kanilang kasal. Maging ang kanilang mga kamag-anak at panauhin ay tinangisan ang tubig-baha upang lamang masaksihan ang pag-iisang dibdib ng mag-kasintahan upang ipahayag sa lahat ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa.

Si Josephine Sabanal, kamag-anak ni Jeziel, ang nagbahagi ng litrato ng mag-kasintahan na tumatawid sa Ilog Luyang, na binaha sa oras na iyon dahil sa matitinding pag-ulan. Ayon sa kanya ang kasal ay huli na nagsimula dahil sa matinding pagbuhos ng ulan at kailangang manatili ang lahat sa loob ng simabahan.

Ayon pa kay Ronil, na siya ay natakot noong una sapagkat naisip niya na ang kaniyang kasintahan na si Jeziel ay baka hindi sumipot sa seremonya dahil sa pagbaha. Gayunpaman, para kay Jeziel “ang kaniyang pagmamahal kay Ronil ay mas matindi pa kaysa sa pagbaha.”

Ang matinding bagyo na naranasan ng lahat ng tao ngayon, nakaaapekto ng malaki sa pamumuhay ng bawat isa. Maraming tahanan ang nasira at maraming tao ang nawalan ng hanapbuhay. Ngunit may mga tao pa rin na sadyang positibo sa kanilang buhay makamit lamang ang ninanais ng kanilang mga puso. Anumang kalamidad ang dumaan, tuloy pa rin ang buhay.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Yamyam Guacong returns to his hometown still humble as ever

Pinuri ng isang Guro ang taong nagbalik ng Php10, 000 na mali niyang naipadala sa ibang GCASH Account