in

Ang 65-taong-gulang na lalaki ay nagtatanim ng 10,000 na mga bakawan sa loob ng 8 taon upang maprotektahan ang kaniyang bahay mula sa malalaking alon sa panahon ng bagyo

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sa paglipas ng mga taon, ang pagkaubos ng mga puno sa ating mga kabundukan ay humahantong sa pagbaha sa mga komunidad kagaya na lamang ng ating nararanasan ngayon. Kung kaya’t maraming lugar ang nasalanta ng kalamidad kagaya ng pagbaha at pagguho ng lugar. Tao ang nangangalaga sa kaniyang kalikasan, ngunit sa kabilang banda tao rin ang sumisira nito. Ngunit bilang isang mamamayan, ano nga ba ang ating nagawa para sa ating kalikasan upang maiwasan ang pagkasira nito. Narito ang isang kwento na magbubukas sa ating mga isipan upang tayo ay gumawa ng mga bagay upang maprotektahan ang ating sarili pati na rin ang ating pamilya.

Sa lugar ng Matalom Leyte may isang 65 na taong gulang na lalaki na si Gary Dabasol ang nakatira sa isang baybayin na lugar at alam niya na ang malalaking alon na dala ng mga bagyo ay maaaring magdulot ng panganib sa kanyang kalapit na bahay. Kaya upang maiwasang mangyari iyon, nagtanim siya ng 10,000 mga bakawan sa Punong Village sa loob ng 8 taon bilang solusyon. Pumili lamang siya ng mga punla ng mga species ng mangroves tulad ng miyapi, pagatpat, at bakawan sa tabi ng kanyang lugar. Dahil sa kaniyang pagtatanim natanggap niya ang mga benepisyo ng kanyang mga itinanim. Ito ay ang na protektahan ang kanilang lugar sa malalakas na alon na dala ng mga nagdaan na mga bagyo.

Ayon sa kaniya, natutuwa siya na napasigla niya ang kaniyang mga mamamayan at sana masundan ng din nila ang kaniyang ginawa. Nais ring niyang mag-ambag sa malakihang produksiyon sa pamamagitan ng paglinang ng isang spooning area para sa mga isda, alimango, at hipon at iba pang mga uri ng lamang dagat. Ito ang kaniyang sinabi ng siya ay nakapanayam ng Philippine News Agency. Tunay nga niyang ipinakita sa kaniyang mamamayan na siya ay may pagmamalasakit hindi lang sa kaniyang kapaligiran pati na rin sa kaniyang kapuwa. Isang netizen na nagngangalang Dan Niez mula sa bayan ng Hilongos ang siyang nagbahagi ng kwento ni Dabasol sa social media. Pumunta siya roon para sa isang maikling pahinga at napansin kung gaano ito kakaiba mula sa maraming taon na ang nakakalipas na ito ay isang puwang lamang sa baybayin.

Inaasahan niya na sa pamamagitan ng pagbabahagi ng nagawa ni tatay Gary, ito ay magbibigay inspirasyon sa iba na sundin ang kaniyang halimbawa sa pagprotekta sa kapaligiran at sa marine ecosystem. Nais din ni tatay Gary na suportahan siya ng gobyerno dahil ang ginawa niya ay pambihira para sa isang tao. Ayon sa Ecoviva, bukod sa ginawa nitong pagdepensa sa baybayin, ang mga bakhaw ay maraming iba pang mga benepisyo. Nagbibigay ito ng isang tirahan bilang pangitlogan ng mga isda sa dagat. Tumutulong ang mga ito sa pagpapanatili ng kalidad ng tubig mula nang kanilang salain at bitag ang mga sediment, mga mabibigat na metals, at iba pang mga pollutant. Tinatanggal ng mga punong ito ang carbon sa ating kapaligiran dalawa hanggang apat na beses na mas malaki kaysa sa mataas na uri ng tropikal na kagubatan.

Hindi pa huli ang lahat upang simulang alagaan ang ating kalikasan. Hindi lamang tayo ang makikinabang dito kundi ang mga susunod pang henerasyon. Kaya’t habang may pagkakataon pangalagaan natin ang ating kalikasan upang maprotektahan tayo mula sa panganib na dala na mga kalamidad.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

The 10 top smartphones this year 2020, watch out the Z Fold 2 earns the most productive phones

Apo Whang Od Photo When She Was A Young Lady, Loved By Netizens