in

Netizens and fan ni Xyriel Manabat may banat sa mga nambabastos at nambabash sa kanya sa social media

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Naaalala ba ninyo si Xyriel Manabat? Isa sa pinaka-iconic na ginampanan nitong role ay ang batang ‘madam Anna’ sa palabas ng ABS-CBN na ‘100 days to heaven’. Dalaga na siya ngayon at umaani ng 341k followers sa Instagram.

Kilalang kilala ang dating child star na si Xyriel Manabat sa pagganap nito bilang batang bersyon ni Connie Reyes sa palabas na “100 days to Heaven”. Pero bago pa rito ay marami nang beses lumabas sa mga teleserye at pelikula ang dalaga. Marami-raming awards na rin ang napanalunan nito, kabilang na ang pagkapanalo niya sa best Child Actress sa 36th Metro Manila Film Festival para sa pagganap niya sa pelikulang ‘Ang Tanging Ina Mo (Last na ‘To!).

Mas pinili ni Xyriel na pagtuunan ng pansin ang kanyang pagaaral kaysa sa ituloy ang karera sa Showbiz. Nararapat din lamang dahil sa murang edad nito ay mas mabuti nang pag-igihan muna niya ang pagaaral kaysa ibuhos ang oras sa taping ng pelikula o teledrama. Grumaduate na nitong Hunyo sa highschool si Xyriel.

Nito lamang lunes ay nagpost ang 16 anyos na si Xyriel sa kanyang Instagram account upang ipakita ang kanyan Outfit of the day (OOTD). Makikitang napakaayos at napakaganda ng outfit ng dalaga, simple at kaaya-aya ang damit nito.

Dagdag pa sa mga nakapansin ang pagpost din ng dalaga sa kanyang Facebook account na siya namang inulan din ng papuri.

Makikita na katangi-tangi ang gandang angkin nito at mahaba pa rin ang buhok nito katulad noong nakikita pa natin siya sa telebisyon. May mga netizens na humihiling na sana ay bumalik ang dalaga sa pag arte dahil magaling din namang artista ito.

Sa kabilang banda, ay may mga nagcomment ng bastos at di maganda sa litrato ng dalaga. Labis itong ikinagalit ng mga fans at netizens dahil napakalaswa at hindi nararapat ang mga pinagsasabi ng mga nasabing komento.

Ipinagtanggol naman ng mga netizens si Xyriel lalo na’t wala naman masama sa li trato nito.

Isa naman netizen ang nagkumento sa fb na madami di umano ang lantaran kung magsalita at isisi sa mga babae ang dahilan kung bakit ang mga ito ay nababastos. Dagdag pa nya na ang iba daw ay sinisisi ang mga panunuot ng mga babae kaya ito ay nababastos ngunit bakit daw ang maayos na suot ni Xyriel ay nabastos pa din. Ayon pa sa kanya, kapag manyak na ang isang tao ay manyak na talaga ito at hindi ito dapat isisi sa pananamit ng mga babae.

Ayon naman sa isa pang fb user, “It’s in her genes kaya ganyan at wala siyang magagawa dyan mga tanga kayo! Sige Kayo pambabastos Di nyo ba Alam maidudulot nyan sa kanya hahahahaha mga t*** kayo bastos MANYAK!! SANA MAY KAPATID KAYONG BABAE NA GANYAN AT GANYAN DIN KUNG BASTUSIN PARA MALAMAN NYO SAKIT INUTIL!”

Isang netizen naman ang nakaalala sa ginagawang Manila Bay, “Grabe mga commentors dito. Napakadumi ng mga utak n yo. Punta kayo ng Manila Bay para masama kayong maibaon sa white sand hayyy.”

Hindi rin ikinatuwa ng isang netizen ang pagkokomento ng kabastusan at pinaalalahanan ang mga ito ng GMRC o Good Manners and Right Conduct. Ayon dito, ““Seriously? sexualizing a 16 year old? ewwwww, you sho uld learn how to respect and control ur kabastusan, coz what u act represent how ur parents raise u napaghahalataang di kayo naturuan ng GMRC and lalo na dun sa mga babaeng nagko comment, proud siguro kayo na binabastos kapwa babae niyo or kayo ung mga klase nang babae na natutuwa pag binabastos.”

Isang netizen naman ang nanaig at nanawagan sa iba pang fans ng dalaga na protektahan ito, “PROTECT!!! XYRIEL!!! AT!!! ALL!!! COST!!! MAAWA!!! KAYO!!! SA!!! BATA!!! MGA!!! WALANG!!! UTAK!!!”

Ikinagulat din ng isa pang fb user ang mga komentong hindi kaaya-aya. “Mostly comments here are below the belt. Sana gamitin niyo naman utak niyo. Ang tatanda niyo na am babastos niyo pa rin. Well, what do we expect???”

Gayun pa man, ay hindi naman katanggap-tanggap ang mga malalaswang komentong nakalagay sa post ng dalaga.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Naglabas ng saloobin si Ogie Alcasid para sa panganay na anak nito matapos marinig ang sinabi ng anak tungkol kanya

Brainy and sporty Filipinos who are Athletes and graduated with Latin Honors