in

Naglabas ng saloobin si Ogie Alcasid para sa panganay na anak nito matapos marinig ang sinabi ng anak tungkol kanya

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Hindi madali sa isang anak na lumaki nang magkahiwalay ang ama at ina nito. Lalong-lalo na kung dagat ang pagitan ng dalawa ay napakahirap para sa isang anak na sandigan ang isa sa mga magulang nito. Ayon sa mga eksperto, kadalasan ay sinasarili lamang ng isang anak ang sakit, at pagkainis sa pagkakaroon ng magkalayong magulang na minsa’y nagiging dahilan ng pagrerebelde ng mga ito. Kung tutuusin, ay dapat ang mga magulang mismo ang magparamdam at maging ehemplo ng tunay na pagmamahalan sa kanilang anak.

Kaya naman nang sinabi ni Ogie Alcasid na, “Mahirap ang pinagdaanan ng panganak na anak ko…” ay tunay na hindi naging madali ang buhay ng panganay na anak niyang si Leila. Si Leila ay ang panganay sa dalawang anak ni Ogie sa Australian beauty queen na si Michelle van Eimereen. Nakatira sa Australia ang mag-iina ngunit noong 2017 ay nagpasya si Leila na manirahan dito sa Pilipinas kasama ang ama.

Isang mensahe ang binigay ni Leila Alcasid para sa kanyang ama na si Ogie Alcasid. Matapos nang tatlong taon na paninirahan ni Leila sa Pilipinas ay nakita nito ang pagkakaiba ng kanyang ama at ina. Ayon dito, “You are a good dad. I think one thing that we as kids have to understand is that every parent is different. Every parent has their own struggles and strengths.”

Inamin naman ng dalaga na kino-kompara niya ang kanyang ina kay Ogie simula nang dumating siya rito. “I kinda moved here comparing him to my mom because I grew up with my mom.”

“And I realized after a while they are different people and they give me different things.”

“I have learned to appreciate you for all the things you give me and all the wisdom you give me.”

Ibinahagi din ni Leila na sobra sobra ang effort umano ni Ogie para sa kanya dahil sinisikap nito na magpunta sa kanila at makasama sya sa bawat okasyon at mahahalagang parte na nangyayari sa kanyang buhay. Ilan nga dito ay ang kanyang graduation, birthdays at iba pang mga single event.

Kahit may kamahalan ang pamasahe o kahit busy ito ay isinasantabi muna umano ng singer ang mga ito para makapiling silang mga anak niya. “He would make the effort no matter how expensive it was or no matter how hard it was with his schedule. I appreciate that.”

Dagdag pa ng dalaga, “Right now, because I am with you, even if there are things that I am going through that you don’t understand, whether it be mental health or my personal struggles, even if you don’t understand it, you still try your best to support me and be there for me and let me know that I am not alone. That’s hard for a lot of parents.”

Inihayag din ni Leila kung gaano niya naiintindihan ang mga sakripisyo ng ama kahit inaakala nito na nakukulang ito. “You may think that you’re not doing enough. You may think that it’s not sufficient but you do a lot more than you know for me and you affect me a lot more than you know. I care about you so much.”


Halos mangiyak-ngiyak si Ogie sa mga sinabi ng anak at nagbigay din ng sariling mensahe ito para kay Leila. Ayon dito, “Mahirap yung pinagdaanan ng panganay ko. Sa edad nya, pwede sya magrebelde o pwede ding maging galit na galit lang sya sa akin. Pero naniniwala ako na there is this real goodness in your heart which is a forgiving heart. Hindi yun naa-acquire lang.”

Dagdag pa ni Ogie, “You are very good. You are a good daughter, you are a good person.” ding maging galit na galit lang sya sa akin. Pero naniniwala ako na there is this real goodness in your heart which is a forgiving heart. Hindi yun naa-acquire lang.”

Dagdag pa ni Ogie, “You are very good. You are a good daughter, you are a good person.”

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Top Poll survey most applaud men and women in the Philippines; Are Rodrigo Duterte and Angel Locsin

Netizens and fan ni Xyriel Manabat may banat sa mga nambabastos at nambabash sa kanya sa social media