in , , ,

Maja Salvador to find career opportunity in other networks?

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Isang malaking tanong ngayon ang bumabagabag sa mga fans ni Maja at ang mga solid Kapamilya dahil isa lang naman siya sa mga magaling at masasabing pinaka magaling pagdating sa acting, dancing at iba pang talent na naibahagi niya sa atin.

Hindi na natin maikaila ang paglipat ng iba pang mga kapamilya tulad nila Pokwang, Jessie Mendiola at iba pa na may mga shows at proyekto na nakaatang para sa kanila.

Kabilang din dito ang mga directors, producers and film and TV crew ng ABS-CBN nagsisilipatan na at balak magkaroon ng mga projects para sa Kapatid Network.

Ang iba sa casts ng Banana Sundae, isang comedy oriented show na pinalalabas tuwing Linggo sa Kapamilya Channel ay ngayon nasa TV5 na at baka mismong boong show ay lilipat na, kasama na rito si Maja Salvador.

Nagmula ang issue ng paglipat nito matapos mag-post si Maja Salvador sa Instagram account nito na, “Everyday is a new beginning.”

Ito ay nagsilbing senyales para sa mga followers niya na lilipat na ito ng ibang istasyon, at magsisimula ng panibagong shows para sa kanyang mga taga-hanga.

Ang paglipat na ito ay magiging mahirap para sa magaling na actress na kilakihan na ang ABS-CBN at ang siyang nag hulma sa talento nito upang maging matagumpay sa napili nitong karera.

Isa sa mga prominenteng show nito ang Wildflower na nag-astang bidang kontrabida ito at ang The Legal Wife na nagpainit ng mga gabi natin sa primetime block nito at iba rin ang pagpapakita ng versatility nito sa show na The Killer Bride kasama si Janella Salvador, pamangkin nito.

Wala namang imik dito ang talent manager nito at maging si Maja ay hints lang ang makukuha rito.

Maging si Ria Atayde ay may sarili ng show sa TV5, maging si Pokwang at Pauleen Luna ay makakasama nito sa show.

Napabalita na sasama si Maja sa Sunday noontime show kasama si Piolo Pascual sa TV5, ito ay lalaban sa ASAP.

Lauren Diogi ay nagpahayag na lilipat na nga ang ibang talents ng ABS matapos mawalang ng prangkisa at prangka nitong sinabi na hindi na ito malayong mangyari dahil minsan na umano itong naganap.

Ani nito, “Bago pa kami mawalan ng prangkisa e marami nang artist ang nagpaalam sa amin na lumipat sa ibang network.”

“Hindi naman ito bago at hinayaan naming sila” dagdag nito.

“Ayaw naman naming silang pagkaitan ng hanapbuhay o kabuhayan. Kaya nga po sa mga darating na panahon maaring makita nito sa aming mga kapamilya stars or artist na nagiging guest o nagiging bahagi ng programa naman sa ibang network”, lathala ng batikang director.

“Sa ilan naming pag-uusap ng contract stars na kahit di pa nawalang ng prangkisa ay marami ng managers ng ibang talent agency ang lumapit sa aming artista para tanungin kung interisado silang lumipat o maging bahagi ng ibang network.”

“Nakakatuwang marinig po yun, it’s a compliment to us, na napapatunayan namin na ang mga kapamilya stars ay dekalibre talaga!” maiging pahayag pa nito.

Ang Laugh Out Loud ng TV5 ay isang noontime show na ginawa ni Johnny Manahan, tampok sila Billy Crawford, Alex Gonzaga, K Brosas, at Wacky Kiray.

Sa Sunday variety show naman pinagbibidahan nila Piolo Pascual at Miss Universe 2018, Catriona Gray.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

ABS-CBN Actress assumed once to be a nun